BACKGROUND OF BARANGAY

Republika ng Pilipinas Lalawigan ng Silangang Mindoro Bayan ng Bongabong BARANGAY STA. CRUZ KASAYSAYAN NG BARANGAY STA. CRUZ Ayon sa aking pananaliksik ang nayon ng STA. CRUZ ay magubat at bulubunduking lugar na matatagpuan sa timogang bahagi ng Bongabong na may sukat na humigit kumulang sa isang libong hektarya. Ang mga taong naninirahan dito ay mga katutubong MANGYAN, kabilang dito ang mga MARINDUQUENO, kaya’t ang unang pangalan nito ay NAKSIB hinango sa pangalan ng isang magiting na MANGYAN, sapagka’t sila ang unang nagpakabuhay sa nayong ito. Ang hanapbuhay nila noon ay pagtotroso, pagtatanim ng palay sa kataasan tulad ng tabuno, kamuros, pagtatanim ng kamote, kamoteng kahoy, saging, niyog at iba pang halaman. Lumipas ang mahabang panahon, ito ay unti-unting umunlad sa pagsisikap ng mga taong naninirahan sa nasabing nayon, hanggang sa ito ay magkaroon ng namumuno na kung tawagin ay CABESA DE BARANGAY sa katauhan ni G. ASILO, hanggang sa ito ay tawaging TENYENTE DEL BARYO na sinundan nina G. CRISANTO DELMO at DIOSDADO MONREAL bilang isang KAPITAN DEL BARYO. Sa looban ng isang dekada sila ay naglingkod at nagkaroon din ng eskwelahan ang nayon ng Naksib na ang kinatatayuan nito ay ipinagkaloob ni G. DALMACIO MAYORES. Hanggang sa panunungkulan ni G. ARTEMIO VARGAS bilang Punong Barangay noong taong 1968-1985. Taong 1968-1985 MGA KONSEHAL G. ALBERTO ACLAN G. MARIANO SAGER G. BALBINO BABAO G. DOMINGO DE CASTRO G. RODOLFO RAMOS G. RODRIGO DE CHAVEZ Ingat-Yaman G. FERNANDO ACUESTA Kalihim G. LARRY HERNANDEZ Chief of Police G. DOMINGO ORACION Sgt. Of Police G. BAYLON MAYORES Ang mga taong naninirahan dito ay mahilig sa SANTA CRUZAN kung kaya’t ang pangalang NAKSIB ay pinalitan ng pangalang STA. CRUZ, hanggang bawian ng buhay si G. ARTEMIO VARGAS noong taong 1985 at naging OIC ay si G. DOMINGO DE CASTRO. Ang lupang kinatatayuan ng paaralan ay ipinagkaloob ni G. DALMACIO MAYORES MGA KONSEHAL G. CENON CATAPANG G. JOSE JABAT G. APOLONIO MONREAL G. CRISPIN MALUNGAY G. PEPENG ABAO G.LORETO CURA G. ANGELITO DEL MUNDO Ingat-Yaman G. ANGELITO AMPARO Kalihim G. RUSTICO MANGCOCANG Dahil binawian ng buhay ang Chief of Police na si G. DOMINGO ORACION, ito ay pinalitan ni G. GABRIEL ASILO at ang SK Chairman ay si G. MARIO DE CASTRO. Hanggang magkaroon ng eleksiyon, walang lumaban kung kaya’t napagkasunduan na kung sino ang nangunguna sa pitong maglalaban ay siyang magiging kapitan. Ito ay tinawag na MAGIC 7. Nanguna ay si G. LEONCIO ORACION. Taong 1989-1995 G. LEONCIO ORACION – Punong Barangay Mga Kagawad GNG. ESTHER V. SOL G. LINO DE CASTRO G. ROLANDO MANSANADIS G. BIENVENIDO ACUESTA G. DANILO E. SADIWA G. SANTIAGO SAGER, JR. SK Chairman G. CARLOS SIENA Ingat-Yaman GNG. DELIA G. DELA CRUZ Kalihim G. RUSTICO L. MANGCOCANG Makalipas ang anim na taon nagkaroon muli ng eleksiyon. Taong 1995-1998 G. ROLANDO MANSANADIS Mga Kagawad G. DANLO ASILO G. SANTIAGO SAGER JR. G. DANILO E. SADIWA G. ROLANDO MARASIGAN G. LITO AMPARO G. MARIO SALAGUBANG SK Chairman G. ALLAN SALCEDO Ingat-Yaman G. MAXIMO AMPARO Kalihim G. RUSTICO L.MANGCOCANG Sa panahon ng panunungkulan ni kapitan ROLANDO MANSANADIS, naipatayo ang bahay pulungan , Basketball Court at pagpapailaw sa Sityo Centro ng barangay sa pamamagitan ng generator. Nagresign si G. ANGELITO AMPARO bilang kagawad dahil siya ay nag-apply na sa PNP at ang naging kapalit nito ay si G. BONIFACIO IBAÑEZ. Taong 1998, nagbitiw sa tungkulin si SK Chairman ALLAN SALCEDO at nahirang si G. DEXTER SADIWA bilang kanyang kapalit. Taong 1998-2001 G. ROLANDO MANSANADIS – Punong Barangay Mga Kagawad G. DANILO E. SADIWA G. SANTIAGO SAGER JR. G. DANILO ASILO G. MARIO DE CASTRO G. ROMEO S. JALAC G. FLORENIO SECO G. BONIFACIO M. IBANEZ SK Chairman G. DEXTER V. SADIWA Ingat-Yaman GNG. LUZVIMINDA L. AMPARO Kalihim G. RUSTICO L. MANGCOCANG Sa taong ito ng panunungkualan ni kapitan R. MANSANADIS napailawan ang barangay mula Highway (Narra) hanggang Sityo Centro ng barangay. Unti-unting naipaayos ang kalsada, nagkaroon ng sementadong daan na may haba na 200 meter at nalagyan ng kanal ang gilid ng kalsada sa Sityo Centro. Makalipas ang limang (5) taon, nagkaroon muli ng eleksiyon. Taong 2002-2005 G. ROLANDO MANSANADIS- Punong Barangay Mga Kagawad G. PELAGIO M. UNTALAN G. SANTIAGO SAGER JR. G. CARLOS SIENA G. CANDIDO A. ALBAN G. DANILO E. SADIWA G. ROMEO S. JALAC G. DANILO ASILO SK Chairwoman BB. ELSIE S. MASCARINAS Ingat-Yaman GNG. LUZVIMINDA L. AMPARO Kalihim G. RUSTICO L. MANGCOCANG Buwan ng Oktubre, 2007, nahalal bilang kapitan si KGG. CONRADO C. PAKIG SR. Mga Kagawad G. RUSTICO L. MANGCOCANG GNG. AIRINE B. SIENA GNG. MYRNA O. DELOS REYES G. ESPIRIDION D. DEL MUNDO G.CANDIDO A. ALBAN G. ADELAIDO D. RAMOS G. BONIFACIO M. IBANEZ SK Chairman G. CONRADO S. PAKIG JR. Ingat-Yaman GNG. CONCHITA N. GONZALES Kalhim GNG. HELEN D. DE CASTRO Sa loob ng dalawang taong pamumuno ni kapitan CONRADO C. PAKIG SR., nalagyan ng linya ng kuryente ang Sityo Bagong Sikat mula sa Sityo Centro ng barangay. Nadagdagan din ang sementadong kalsada sa Sityo Centro, nakapagpatayo din ng bagong pasilidad sa tulong ng DSWD-MCC-KALAHI CIDSS PROGRAM at ito ay ang HEALTH STATION ng barangay na nakatayo sa Centro ng barangay. Ang lupang kinatitirikan nito ay ipinagkaloob ng mag-asawang sina G. FRANCISCO COMIA at GNG. ROCELYN COMIA. Nagkaroon ng sementong upuan sa gilid ng basketbolan sa tulong ni KGG. CONGRESSMAN REYNALDO UMALI, nabago din ang Basketball Board ng basketbolan ng barangay mula sa board na kahoy, ito ay naging fiberglass sa ilalim ng panunungkulan ni SK Chairman CONRADO S. PAKIG JR. Nagkaroon ng tulay sa Sityo Waterfall at Hanging Bridge sa Sityo Purok Masaya sa tulong ng butihing Mayor HERCULES A. UMALI Taong 2010, nangkaroon muli ng halalan at muling nahalal bilang Punong Barangay si KGG. CONRADO C. PAKIG SR. at sa pagkakataong ito siya ay walang naging kalaban sa pagiging kapitan. Mga Kagawad G. DANILO E. SADIWA G. PELAGIO M. UNTALAN BB. MA. ANGELICA S. PAKIG G. ISAGANI D. CATAPANG GNG. MYRNA O. DELOS REYES G. ESPIRIDION D. DEL MUNDO G. ADELAIDO D. RAMOS SK Chairman G. KINNETH MARVIN D. DE CASTRO Ingat-Yaman GNG. CONCHITA N. GONZALES Kalihim GNG. HELEN D. DE CASTRO Sa loob ng tatlong (3) taong panunungkulan ng Sangguniang Barangay napailawan ang Sityo Purok Masaya at ang Sityo Manambao at muling nadagdagan ang sementong kalsada sa Sityo Bagong Sikat. Sa ilalim ng pamumuno ni SK Chairman Kinneth Marvin D. De Castro nagkaroon ng sariling SOUND SYSTEM ang barangay na nagsisilbing gamit hanggang sa kasalukuyan ng barangay at nalagyan ng bubong ang sementadong upuan (Phase I). Nagkaroon ng konkretong Open Canal sa Sityo Centro, nalagyan ng Rip-rapping ang gilid ng mga gumuguhong kalsada kung saan ito ang gumuguho sanhi ng tag-ulan, nagkaroon din ng bagong pasilidad sa barangay ito ay ang DAY CARE CENTER sa tulong na din ng DSWD-MAKAMASANG TUGON PROGRAM. na ang lupang kinatatayuan nito ay ipinagkaloob ng mag-asawang sina G. APOLONIO MONREAL at GNG. ERLINDA MONREAL. Oktubre taong 2013, nagkaroon muli ng halalan at sa pangalawang pagkakataon ay muling nahalal si KGG. CONRADO C. PAKIG SR. bilang Punong Barangay at sa ikalawa ding pagkakataong ito ay wala pa ding naghangad na lumaban sa kanya bilang Punong Barangay at sa pagkakataong ito ay buo pa din ang konseho sapagkat sa natapos na halalan ay wala pa ding natanggal o natalo sa mga konsehales . sa muling pagkakahalal na ito sa tungkulin , ninanais ng Sangguniang Barangay na mas lalo pang pagbutihin ang kanilang panunungkulan upang makamit ang mga minimithi na proyektong ninanais na maipatupad sa Barangay Sta. Cruz. Sa taong 2014, naipatayo ang bagong MULTI PURPOSE HALL sa tulong ni KGG. GOBERNADOR ALFONSO UMALI JR. at mga BOKAL ng ikalawang distrito ng Silangang Mindoro. Ganon din ay naipatayo ang bagong BARANGAY STAGE sa tulong pa din ni KGG. GOBERNADOR ALFONSO UMALI JR. at iba pang BOKAL ng ikalawang distrito ng Silangang Mindoro dahil na rin sa masipag na Punong Barangay CONRADO C. PAKIG SR. Ang lupang kinatatayuan nito ay ipinagkaloob ni G. DALMACIO MAYORES at ng kanyang pamilya. At sa taong 2014 din ay natupad din ang minimithi ng Sangguniang Barangay na mabubungan ang upuang semento sa gilid ng basketbolan ng barangay (Phase II) at nadagdagan din ang poste ng Street Lights (standard type at 2 anglobe type) an gaming barangay. Taong 2015, nagkaroon muli ng konkretong Open Canal sa Sityo Centro sa tulong ng DSWD-NCDDP-KALAHI CIDSS PROGRAM. Taong 2016, ang Barangay Raod ng Sitio Waterfall ay nasemento na din sa tulong ni KGG. CONGRESSMAN REYNALDO UMALI at ng DEPARTMENT OF AGRICULTURE (DA). Taong 2017, sa pamamagitan pa din ni KGG. na kapitan CONRADO C. PAKIG SR. , dahil sa kanyang kasipagan at kakulitan ay sinimento na din ang Provincial Road ng Barangay Sta. Cruz sa tulong ni KGG. GOBERNADOR ALFONSO UMALI JR. at ng DEPARTMENT OF INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG). Sinisimento na din ang barangay raod ng Sityo Iwahig na ang pondo ay galing sa 20%Development Fund ng barangay, at sa kasalukuyan ay sinisimento na din ang barangay road ng Sityo Manambao na may habang 110 meters sa tulong ng DPWH at ng DA, at natapos na din ang GABION (Phase I) ng Sityo Purok Masaya. Nagkaroon ng maganda at konkretong BOUNDARY ang barangay sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagtatayuan nito na ipinagkaloob ni G. CRISPULO DE CASTRO. Taong 2018, nagkaroon muli ng eleksiyon, sa pagkakataong ito ay nag last term na si Kapitan CONRADO C. PAKIG SR. at ang lumaban bilang kapitan ay ang kanyang asawa na si GNG. AMELIA S. PAKIG at si G. DANILO E. SADIWA at ang nagwagi sa laban ay si GNG. AMELIA S. PAKIG. Nag last term na din sina KON. ESPIRIDION D. DEL MUNDO, ADELAIDO D. RAMOS at si MYRNA O. DELOS REYES. Si kapitana AMELIA S. PAKIG ay ipinanganak noong ika- 09 ng Setyembre, 1964, tubong Naksib ang siyang kauna-unahang babae na naging kapitan at namuno sa barangay Sta. Cruz. KGG. AMELIA S. PAKIG Punong Barangay Mga Kagawad KGG. AIRINE B. SIENA KGG. REY RYAN S. PAKIG KGG. RITA A. DEL MUNDO KGG. ISAGANI D. CATAPANG KGG. PELAGIO M. UNTALAN KGG. JERRY S. MASCARIÑAS KGG. MARLOU M. MANZANO SK Chairman KGG. ARJAY T. DE BELEN Kalihim HELEN D. DE CASTRO Ingat-Yaman ELSIE S. MASCARIÑAS Sa pagkakataong ito ay ipinakita ni KGG. AMELIA S. PAKIG na siya ay karapat-dapat na manungkulan sa barangay. Nagpasa agad siya ng mga resolusyon sa ating KGG. na Gobernador ALFONSO V. UMALI JR. at minamahal na Congressman REYNALDO V. UMALI para sa ikauunlad ng Barangay Sta. Cruz. Nabiyayaan agad tayo ng School Supplies para sa mga batang mag-aaral ng ating paaralan Sta. Cruz, Elementary School. Food for Work para sa mga naglilinis ng ating kalsada bayanihan by sitio’s sa pangunguna ng ating KGG. na kapitan AMELIA S. PAKIG at mga konsehalis ng bawat sityo. Si kapitana Amy ay walang tigil sa paghingi ng proyekto para sa ikauunlad ng ating barangay. Ipinagpatuloy niya ang naumpisahang Boundary na ipinagawa ng dating kapitan at ngayon ay makikita natin ang WOW STA. CRUZ. Sa limang buwan pa lamang na panunungkulan ni kapitana Amy kasama ang konseho ay mapapawow ka talaga sa ganda ng BARANGAY STA. CRUZ. Nagkaroon ng contest ang bawat sityo sa pagandahan ng tabihan ng kalsada. Natataniman ito ng iba’t-ibang mga bulaklak at mga masustansiyang gulay. Nagwagi ang Sityo Iwahig at nakatanggap sila ng halagang Php 10,000.00, Sinundan ng Styo Centro na nakatanggap ng halagang Php 7,000.00, Sityo Purok Masaya halagang Php 5,000.00, Sityo Bagong Sikat Lower halagang Php 3,000.00, Sityo Waterfall Php 3,000.00, Sityo Bagong Sikat Upper Php 3,000.00, Sityo Manambao Php 3,000.00. Nakapagpagawa din si SK Chairman ARJAY T. DE BELEN ng Concrete Bench na kung saan ang pondo nito ay sa 10% SK Fund sa tulong din ng mga opisyales ng barangay sampu ng kanyang mga SK Kagawad. Sa kasalukuyan ay ginagawa na ang matagal nang hinihintay ng barangay Sta. Cruz ang COVERED COURT. Sa wakas ay naumpisahan na din ito na matagal ng pinakahihintay ng dating kapitan CONRADO C. PAKIG SR. na noong siya’y nabubuhay pa ito ang minimithi niyang proyekto na ipinagpapatuloy ngayon ni kapitana Amy S. Pakig. Sa ganitong pagkakataon ang COVERED COURT ay magiging EVACUATION AREA na kung saan ang mga tao ay mayroong mapupuntahan kung dumating man ang kalamidad. Pinalagyan din ito ng magandang bakod at mayroon pang landscape na natataniman ng magagandang bulaklak. Sa gilid ng STAGE ay mayroon ding dalawang (2) CR para sa lalaki ang isa at para sa babae ang isa. Nilagyan din ito ng GROTO sa bandang unahan na ang loob nito ay magkakaroon ng FOUNTAIN na magiging WISHING WELL para maging attractive sa lahat. Ipinagpatuloy pa din ni kapitana Amy ang paglilingkod hanggang ang mga proyektong dumating tulad ng PHASE III KALSADA PROJECT sa Sityo Bagong Sikat, RIP-RAPPING OF PROVINCIAL ROAD, OPEN CANAL ADDITIONAL. Dumating din ang proyekto para sa bubong ng SENIOR CITIZEN BUILDING at ang IMPROVEMENT OF MULTI-PURPOSE HALL na ang pondo nito ay sa munisipyo nanggaling sa pamamalakad ng butihing MAYOR DOC ELGIN A. MALALUAN O.D. Tunay ngang napakaswerte ng Barangay Sta. Cruz dahil mayroon pa ding dumating na proyekto na TANGKE NG TUBIG na galing sa DPWH ang pondo nito. Kung saan ka man ngayon naroroon kapitan CONRADO C. PAKIG SR. ay alam kong napakasaya mo na dahil ang mga proyekto mong hinihintay noon ay andito na naisagawa na sa pamamagitan ng iyong butihing asawa kapitana AMY S. PAKIG sampu ng kanyang mga konsehales. Maraming maraming salamat sa nagkaloob ng lahat ng ito. Ang minimithing kalsada Project (Provincial Raod) ay tapos na at sa tabihan nito ay mayroong open canal, wellguard, railing, signage, at may guhit pa ang kalsada. Sadyang ang sarap sa pakiramdam kung makikita mong ang minimithi ng barangay ay unti-unti nang natutupad sa pangunguna ng butihing ina ng barangay KGG. AMELIA S. PAKIG kasama ang buong konseho. Naisagawa na din ang opisina ng Senior citizen, PWD, VAWC at opisina ng Sangguniang Kabataan na kung saan sa tuwing mayroong pagpupulong ang mga matatanda, mga PWD ay maging komportable. Mayroon na ding opisina ang Sekretarya at ingat-Yaman ng barangay. Taong 2021, buwan ng Nobyembre ay nagresign si G. MARLOU M. MANZANO bilang kagawad ng barangay at ang ipinalit sa kanya ay si GNG. JIOLY C. AMPARO at nagsimula siya sa panunungkulan ng buwan ng Pebrero taong 2022 bilang kagawad ng barangay. Tunay ngang ang maglingkod sa barangay ay hindi biro. Mayroong mga pagsubok na dumarating, nagviral sa social media ang pagtawid ng isang senior citizen. Sa pamamaagitan ng viral na ito ay naumpisahan na din ang proyektong HANGING BRIDGE sa sityo Purok Masaya na ang pondo nito ay galing sa munisipyo sa pamumuno ng MALALUAN- CANDELARIO ADMINISTRATION. Buwan ng Hunyo taong kasalukuyan ay natapos din ang HANGING BRIDGE sa Sityo Purok Masaya, napakasaya sa pakiramdam ng mga nanunungkulan ang makita ang mga taong naninirahan dito na kahit na bumuhos ang malakas na ulan ay makakauwi na ng ligtas, wala ng agam-agam pa, ang mga taong naninirahan dito. Natapos na din ang sinimentong kalsada patungong HANGING BRIDGE na ang pondo nito ay galing sa Provincial fund sa pamumuno ni GOVERNOR HUMERLITO”BONZ” DOLOR.

MISSION AND VISION

Sa taong 2023 hanggang 2025, ang Barangay STA. CRUZ ay nagnanais na maging isang pangunahing barangay na pinagkukunan ng kalakal, may malinis na kapaligiran, malusog na mga mamamayan, may sapat na pinagkakakitaan, may mataas na antas ng edukasyon, nagkakaisa at may pananalig sa Diyos at patuloy na nakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan.

POPULATION

CENSUS
COUNT
Population 4

ORGANIZATIONAL CHART

Card image cap

HON. AMELIA S. PAKIG

PUNONG BARANGAY
Card image cap

HON. AIRINE B. SIENA

Councilor 1
Card image cap

HON. REY RYAN S. PAKIG

Councilor 2
Card image cap

HON. RITA A. DEL MUNDO

Councilor 3
Card image cap

HON. ISAGANI D. CATAPANG

Councilor 4
Card image cap

HON. PELAGIO M. UNTALAN

Councilor 5
Card image cap

HON. JERRY S. MASCARIÑAS

Councilor 6
Card image cap

HON. JIOLY C. AMPARO

Councilor 7
Card image cap

HON. ARJAY T. DE BELEN

SK Chairperson
Card image cap

MS. HELEN D. DE CASTRO

Barangay Secretary
Card image cap

MS. ELSIE S. MASCARIÑAS

Barangay Treasurer